Wednesday, June 27, 2007

LESUDS (PEYUPS kunyari para sa Lasalista)

I have never written anything in tagalog. Today, just because I feel like it, I will write in my native language.
Nakaugalian ko lang na dapat malinis parati, maayos parati, (okay, sige aaminin ko na na nung nasa manila pa ako, yung mga pantulog ko sobrang panget talaga, semi-yagit-look, mga lumang t-shirt ng kuya at daddy ko na naluma ko na rin) hindi naman yung parang magsasantacruzan ha, pero kung baga presentable.
Nung Sabado na yun, "prepared" ako, binibiro pa ako ng barkada ko na wala naman daw press dun sa party, bakit ko daw ginagalingan. Hindi naman masyado. Although bago yung pang-taas ko nun, ecru na linen. Simple lang naman ako nun eh, jean with camel jacket, bag and shoes. Tapos sobrang liit ng bag na yun kaya ang laman nalang pera, dalawang kaha na yosi, susi ng bahay tsaka cel. Ang bait bait ni Big Jay, nag volunteer siya na sunduin ako sa bahay, ang laking tuwa ko rin kase ang layo talaga ng party, North, sa Quezon City.
May mga nagsabi sa akin dati na ang mga taga south lang daw ang nagsimula ng north-south thing, dati daw kung taga-saan ka, simpleng ganun lang ang tawag, halimbawa, taga QC, taga ParaƱaque, taga Greenhills, taga Antipolo, etc. Isang araw daw yung mga taga-south nag-initiate ng North, South, East, West (hindi ko alam kung ano ang meron sa west, roxas blvd? reclamation?) categories, so nagtuloy tuloy na.
So pasok kami sa bar, pinaclose ni Gold para sa birthday party niya. Ang daming sumasayaw, may mga umiinom, ang saya ng lahat. So syempre hinanap ko yung celebrant, bumati, konting small talk, tapos diretcho sa bar. Mestizo ang bar tender, okay, good for him, hindi siya makwekwentohan ng mga problematic na malalasing kase mahihirapan mag-english. Double Kahlua on the rocks, si Jay, beer.
Akyat kami sa second floor.
Nandun na si Rain tsaka si Dionette. May kausap din silang someone na hindi ko kilala, medyo mukang D.I. Lapit kami ni Jay, pinakilala sa amin si Tonton, kwentuhan kami. Si Tonton nakatingin sakin, medyo creepy. Dating si Maris, usapang Accenture na. Si Tonton biglang kinausap ako "Tama! Oo nga! Magka-volleyball tayo sa AVL!", sabi ko "Yup", sabay banat siya ng english "Yeah, that's why you looked so familiar... so... you play a lot?". Eye roll.
Tuloy tuloy lang ang inom, yosi tsaka kwentuhan. Shifting ang mga kausap namin ni Jay, kung sino ang napagod na sumayaw, aakyat, iinom sandali, yosi break, baba, tapos next group na ulit.
Sa kabilang table may lasing na lalaki and babae na nagaalaga, randomly gumigising yung lalaki, sasabihin "Could you please look at my forehead?" minsan naman "Do I have a gash on my forehead?". Iba ibang phrases pero parepareho lang ang idea.
Si Janis dumating, tumabi sa akin, lasing, pulang pula. Uminom daw siya ng Adios Mother F*cker (AMF), adios daw talaga. Aalis na siya bukas, puntang Shanghai, sabi ni Aa "On her way to be a Rich B*tch". Rich B*tch tawag naman sa kanya, oo daw, rich b*tch daw siya.
Maya maya dumating si Jaisa, may ka holding hands na lalaking lasing, pagod sila galing dancing-dancing. Umupo si lalaking lasing sa pagitan namin ni Janis, si Jaisa bumaba ulit sa dance floor. Si Janis napasandal sa katabi namin, hindi na talaga kaya. AMF.
Dumating si TJ, may dalang Faust! Tuloy ang party!
Kinakausap ako ng katabi ko, nagkwekwento tungkol sa mom niya tsaka sa kung ano ano pa. Nag AMF din daw siya. Si Rain hiniram ang camera ko. Bago lang, maliit na maliit. Masmaliit pa sa cellphone, masmaliit pa sa deck of cards, mga kasing laki ng gamot pang asthma. Picture picuture si Rain. Si Janis pinicturan na patulog na. Kami ng katabi ko, na-picturan na parang nagliligawan.
Nilabas ng katabi ko ang cel niya, parang nairita ako kase yung screensaver niya playboy bunny. Sabi ko "Nice logo", sabi niya "It is not my phone". Pahiya ako, pero okay lang, lasing na siya, ako hindi. Hindi niya na alam ano ang flow ng conversation. Hiningi niya ang number ko. Hindi ako nagbibigay ng number sa kakakilala palang. Never. Sabi ko "ummm 0 9 1 7 5 3 3... ask TJ".
Tumayo na siya, balik sa baba, dancing dancing siguro.
Akyat si Jaisa ang Chuch. Malungkot si Jaisa, nalaman niya na may GF na si Tonton. (Hindi ko ma-get kung bakit to begin with, hindi niya alam na may gf na si Tonton eh madalas niya naman kasama sila TJ, ako nga alam ko na may GF si Tonton eh first time ko lang siya ma-meet)
Madaming madaming Faust later, uwi na kami ni Jay, sabay daw si Chuch and Jaisa. Tuloy tuloy and sob story ni Jaisa about Tonton, si Chuch, patiently na kino-console siya. Sabi sa iba nalang daw, madami naman daw single dun sa party.
Nahatid na namin ang dalawa, sabi ko kay Big Jay "O, go, kanina ko pa to hinihintay, patugtog mo na ang favorite please". Binuksan niya ang glove compartment, kinuha ang case logic, naglabas ng recordable cd, pinlay.
"Jealous of the girl who caught your eye, they say it's a perfect match...".
Tawa kami pareho, sabay kanta.
Nag-windows na rin kami, para makapagyosi kami. Kanta parin.
After nung song, sabi ko "Ulit kaya?". Inulit namin.
After nung song, sabi niya "Ulit kaya?". Tawa kami. Inulit namin.
After nung song, sabi niya "I-de-dare mo ba ako? I-repeat lang natin hanggan bahay niyo?".
"Dare"
Pababa nako ng car, "Thank Big Jay ha, text moko pag nakauwi ka na", sabi niya "Dare hanggan bahay ko, i-repeat ko lang".
"Dare"

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...